- 업종: Restaurants
- Number of terms: 286
- Number of blossaries: 0
- Company Profile:
NYC.gov provides access to hundreds of City services, forms, jobs, and resources.
Ang kemikal o materyal na maaaring magdulot ng alinman sa malubha o hindi gumagaling na problema sa kalusugan. Kabilang ang karaniwang panglinis sa bahay.
Industry:Restaurants
Ang pasulat na lisensiya at awtorisasyon na ibinigay ng Kagawaran ng Kalusugan at Pangkaisipang Pangangalaga sa kalusugan upang ipagpatuloy ang tiyak na mga gawain na pinangasiwaan ng Kowd Pangkalusagan ng Lungsod ng New York.
Industry:Restaurants
Tubig na nagmula sa aprobadong pinagkukunan na natutugunan ang lahat ng mga kalidad na pamantayan sa pag-inom ng tubig.
Industry:Restaurants
Ang maruming tubig na likha ng komersiyal, industriyal, o domestikong gamit ng tustos ng tubig ng gusali na karaniwang tinanggal ng lokal na sistema ng padaluyan. Ang pagkalantad sa dumi ng imburnal ay maaring magdulot ng nakahahawang sakit.
Industry:Restaurants
Anumang pagkain na naglalaman sa buo o sa bahagi ng gatas o produktong gatas, itlog, poltri, isda, molusko, nakakaing krustasya, lutong patatas, kanin o iba pang mga sangkap, kabilang na ang mga sintetikong sangkap, sa anyo na maaaring sumuporta sa: (1) mabilis at progresibong pagkalat ng impeksiyon, o nakalalasong maliliit na organismo; o (2) ang mabagal na pagkalat ng C. Botulinyum.
Industry:Restaurants
terminong inilapat sa sangkap na nakaiirita o nakasasakit at maaaring magkaroon ng nakapipinsalang epekto sa buhay.
Industry:Restaurants
Anumang kundisyon na mapanganib sa buhay ng tao o nakapipinsala sa kalusugan.
Industry:Restaurants
Katawagan sa gatas o produktong gatas, buo, likido, pinalamig, pinulbos na itlog na nalantad sa pastyurisasyon kung saan ang bawat katiting ng aytem ay pinaiinitan sa tamang disenyo at pinaaandar ng kagamitan sa tiyak na temperatura at pagkatapos ay ipagpapatuloy sa o mataas na temperatura para sa katumbas na tiyak na oras.
Industry:Restaurants
Ang sertipiko o katibayan na iginawad sa isang indibidwal na may matagumay na natapos na kurso sa proteksyon sa pagkain sa Akademyang Pangkalusugan ng Kagawarang Pangkalusugan at Pangkaisipang Pangangalaga sa Kalusugan sa lungsod sa New York.
Industry:Restaurants
Karamihan ng paglabag ay dapat itama sa panahon ng inspeksiyon kasama ang inspektor, o ang gusali ay sarado at ang lahat ng serbisyo sa pagkain ay ihihinto agad.
Industry:Restaurants